From ₱200/day lang — kasama na ang motor, battery, swaps, maintenance, at insurance.
Walang gas, walang gears. I-twist mo lang, andar na. Pwede mo i-charge parang cellphone, or mag-swap ng lowbat na battery for a full one sa loob ng <2 minutes.

Dalawang electric motorcycle na gawa talaga para sa mga working class Filipino.


Lahat ng rider ay magsisimula sa Short-term. After 3 months, pwede ka nang mag-Long-term.
Mas malaki ang maiipon mo kada araw. Mas mura ang NRD subscription kesa mag-rent o bumili ng gasoline motorcycle — wala nang ₱150k na paunang bayad, wala nang gastos sa gas, wala nang biglaang gastos sa repair, at wala kang hahabulin na insurance.
Ang comparison na ito ay base sa rider na umaabot ng ~6,500 km kada buwan. Ang gas cost ay base sa market rates; ang maintenance ay base sa totoong service intervals sa high utilization. Kasama na lahat sa NRD subscription mula sa unang araw.
Bukas ang NRD Leasing Program sa kahit sino na kayang tuparin yung mga requirements.
Walang paghinto para mag-charge. Dumaan sa kahit anong RideBox station, i-swap ang lowbat battery mo sa buo, at umandar — or i-charge sa bahay overnight. Ikaw ang bahala.

Kokontakin ka namin at ihahatid ang unit mo sa loob ng 5–7 business days.